X

Like our page!

Monday, December 4, 2017


Maine Mendoza Lumipat Na Nga Ba Sa ABS-CBN?



Usap-usapan ngayon ng Aldub Nation sa social media kung bakit ilang araw nang hindi napapanood ang GMA 7 actress/host na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga!




Noong Linggo, November 26, inilabas ni Maine sa isang open letter ang kanyang saloobin tungkol sa showbiz career nito.

Sa nasabing open letter ay nagpasalamat si Maine sa suportang natanggap niya mula sa kanilang fans. Kinumpirma din sa sulat ng Dubsmash Queen na magkaibigan lamang sila ng ka-loveteam na si Alden Richards.

Nitong nakaraang Lunes, November 27, huling napanood si Maine ng kanyang mga fans sa Kapuso noontime show. Sa araw ding ito, nagpost ang phenomenal star sa kanyang twitter ng isang cryptic message. Ang tingin ng netizens ay sagot niya ito sa negative reactions na inani ng kanyang open letter.


Simula November 28 hanggang ngayon ay hindi lumabas si Maine sa Eat Bulaga, kaya't samu't saring ispekulasyon ang umikot sa social media tungkol sa absence ni Maine sa nasabing programa. Ilang tweets ang nagbanggit tungkol sa umano'y paglipat ni Maine sa kabilang istasyon na ABS-CBN.






Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews