X

Like our page!

Monday, December 4, 2017


FULL INTERVIEW! Hashtag Tom Mananagot sa Pagkalunod ni Hashtag Franco ayon sa Magulang!



Nalaman ng mga magulang ni Franco Hernandez na sina Raul at Marissa Lumanlan ang detalyadong pangyayari sa pagkalunod ng kanilang yumaong anakpagkatapos ng burol at cremation nito.

Si Franco o Franco Miguel Hernandez Lumanlan ay namatay matapos aksidenteng malunod sa Davao Occidental noong nakaraang November 11. Mico ang palayaw ng 26 year old Hashtag member.




Noong araw ng insidente, November 11, naglalayag pabalik ng resort ang motorized banca na sinasakyan ng grupo ni Franco nang hampasin ng malakas na alon ito. Kasama ni Franco sa bangca ang girlfriend na si Janica Nam Floresca, ang kapwa niya Hashtag member na si Tom Doromal at ang girlfriend nito, pinsang lalaki ni Tom at ang dalawang bangkero.



Ang dalawang bangkero, na nakilala na sina Rico Igalan at Efren Kilang, ay nagbigay ng pahayag sa Umagang Kay Ganda noong November 13. Ikalawa ay ang pahayag ni Tom, sa November 19 episode ng Rated K. Kaugnay nito, nais daw nina Raul at Marissa na mailabas ang buong detalye umano kaugnay ng pagkalunod ng anak, base sa kwento ni Nam at sa karagdagang detalye na nalaman nila mismo mula kay Tom.

Ayon kay Raul, "Nagmeet kami with Tom's family. Yung relatives niya, mga tita. Para to hear yung side siguro namin at yung side din nila."

Naganap daw ang kanilang pagkikita noong Miyerkules, November 29. Dumalo roon sina Raul, Marissa at Nam. Naroon din si Tom kasama umano ng mga tita nito na naninirahan sa Maynila.

Patuloy ni Raul, "They all agreed, wala namang nagcomment na mali yung istorya ni Nam.Actually, there were revelations din na hindi namin alam. Na good enough naman, and I salute Tom for telling the truth din about the life vests."

Sa puntong ito, inihayag ng ama ni Franco na si Raul kung bakit walang dalang life vests ang grupo nina Franco, Nam at Tom nang sila ay sumakay patungong White Sand Island.

Pahayag ni Raul, "Yung sa life vests, sinabihan pala si Tom nung relatives niya dun sa resort na may life vests, na siguro either gamitin or dalhin niyo. Yun ang kwento ni Tom."

"Si Tom naman, hindi nasabi sa group na may life vests. Ang sabi ni Tom during the meeting, it slipped..." Singit ng ina ni Franco sa pahayag umano ni Tom, "It slipped his mind"

Patuloy ni Raul, "So nakalimutan daw niya"

“So, eventually, sumakay silang lahat without the life vest. Yun yung sigurong medyo...”

Naputol ang pahayag ng ama ni Franco, pero sabi naman ni Nam, “Kasi kung in-offer naman niya sa amin, susuotin namin yun talaga. Kasi hindi kami marunong lumangoy.”

Sagot ni Raul, “Hindi naman directly sinabi sa akin. May question kasi na-raise sa kanya kung may life vest ba.”

Paglilinaw ng ama ni Franco, hindi direktang sa kanya sinabi ni Tom, kundi sa kanilang lahat na naroon sa meeting.

Sa nasabing meeting, sinabi umano ni Tom na noong araw ng insidente, bago umalis ng resort, ay may nagsabi ritong may life vest na maaari nilang gamitin pagsakay ng banca.

Dito nilinaw ni Raul na taliwas ito sa sinabi ng mga bangkero sa kanilang pahayag sa Umagang Kay Ganda na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo na magsuot ng life vest.

Patuloy ni Raul, “So, sinagot naman ni Tom. Si Tom mismo. Buti naman at sinabi niya rin yung totoo. Perception ng bangkero siguro…Pero yun pala, merong available at hindi lang nasabi ni Tom sa grupo, at hindi nadala ni Tom yung life vest.”

Pagkatapos ay inilarawan ng ama ni Franco ang saloobin matapos mapagtagni-tagni ang nangyaring aksidenteng pagkalunod ng anak, base sa pahayag nina Nam at Tom.

Pahayag ni Raul tungkol sa diumano’y pagkukulang sa nangyaring insidente:

“Kung paano na-handle yung sitwasyon. Plus yung pagkuha mo ng providers mo. Like, for example, yung banca. Bilang host, you have to make sure na compliant 'yan sa safety, legit yung mga banca na yun to transport people. Baka mamaya fishing boat lang 'yan na wala namang permit to transfer passengers. So, ibang istorya na yun. So, lahat yun di na-check, e. It’s all, parang, burst of ano lang, excited sila, tumawag sila ng banca…”

Sa kabilang banda, aminado si Nam na wala ring nakaisip sa kanilang grupo na sumakay ng banca na magpaalala o magtanong kung mayroong life vests.

Sang-ayon ni Nam, “Wala.”

Base sa naunang paglalahad ng dalaga, ang tanging naiparating nila kay Tom, bago sila mag-island hopping, ay ang pag-aming hindi sila marunong lumangoy ni Franco.

Siniguro naman daw sa kanila noon ni Tom na hindi sila lalangoy sa malalim dahil beach ang kanilang pupuntahan.

Base sa salaysay ni Nam, ang nurse na kaanak ni Tom ang unang nagsabi diumano sa dalaga na sinubukan nitong mag-perform ng CPR kay Franco ngunit hindi na kayang maisalba pa ito.

Sagot ni Raul, “Hindi na namin natanong. Number one, there was no chance na puwede namin tanungin kasi nandun sila sa Davao. Hindi rin namin makausap yung parents, kasi wala. Kung napakilala sa amin, siguro medyo napag-usapan.”

Base sa naunang paglalahad ni Nam, wala ang mga magulang ni Tom sa resort at bahay ng pamilya Doromal noong araw ng insidente. Ayon kay Nam, mga tita, lolo, at lola lamang ni Tom ang nadatnan nila noon sa bahay na kalapit ng resort sa Davao Occidental.

“Message sa families—alam ko may ibang pamilya, may mga anak kayo, siguro number one, talagang tanungin niyo yung anak niyo in detail kung saan pupunta. Make sure yung pupuntahan, kilala niyo, make sure equipped yung pupuntahan. For example, mga life vest. Yun dapat ma-ensure ng mga magulang. Kasi minsan, yung mga anak natin, sa sobrang excitement, hindi na nila nakikita ‘yan. Ang iniisip lang nila yung enjoyment nila. So, ang lesson ngayon, kahit na mag-away kayo ng anak niyo kakatanong ninyo, I think that's better kaysa sa eventually na mangyari."

Patuloy ni Raul, “Number two—sa mga hosts, kung sino yung nag-iimbita. Alam ko, siguro si Tom, kasi bata pa, siguro pag may ganyang imbitasyon, yung elders mag-take part din sa planning na yun. Because, at the end of the day, hindi lang naman nag-imbita na bata ang mananagot. Siyempre, may responsibilities din yung parents and elders nung nag-imbita.

“Number three, yung providers, like for example sa mga resorts, make sure lang na safety of lives and property, ensure nila. Hindi lang because nakikita sila or merong bayad. So, make sure na compliant yung equipment sa safety. Now, kung ayaw magsuot ng life vest yung mga pasahero, may option sila tumanggi at huwag umalis. ‘Ayaw niyo mag-life vest, hindi tayo aalis.”

SAyon kay Raul, bandang 9:45 p.m. to 10 p.m ng November 11 nila unang narinig ang balitang pumanaw ang anak dahil sa aksidenteng pagkalunod, base sa ulat ng DZMM Teleradyo. Nakatanggap din sila ng kumpirmasyon mula sa Cornerstone Talent Management, na talent management ni Franco.
Kinabukasan ng madaling araw, November 12, nang magtungo si Raul sa Davao City upang makita ang anak. Sa kabilang banda, nagbigay rin ng pahayag si Raul tungkol sa paglalahad ni Nam sa napansing mga sugat diumano sa ulo ni Franco.

Kaugnay ito ng sinabi ni Nam na walang sugat sa ulo si Franco nang una nilang respondehan ito sa isla, kung saan napadpad ang kanilang grupo matapos pasukan ng tubig ang sinasakyan nilang banca.
Sinabi din ng ama ni Franco na napansin din niyang may dugo sa bandang ulo at bukol sa noo ang anak nang una niyang makita ang mga labi nito sa funeral parlor sa Davao City noong umaga ng November 12.

“Mga 3 or 4 A.M. yata yung first flight to Davao. Tapos, yun nga, pagdating namin sa Davao, una naming pinuntahan yung Cosmopolitan Funeral Parlor. Nandun na si Mico kasi nga ieembalsamo. So, sabi namin, bago iembalsamo ‘yan, hintayin muna kami para makita kami. So, nung nandun na nga kami, napansin ko nga, lately ko lang naano, na may dugo nga dun sa may hinihigaan niya."
Iminuwestra ni Raul na tila bandang ulo at balikat ni Franco ang may dugo.

“So, hindi ko na masayadong inusisa at that time, kasi siyempre iba na yung nararamdaman ko, yung emotion ba. So, nung nakita namin na talagang si Franco yun, nakita namin na meron siyang bukol dito,” sabay turo sa bandang kaliwa ng noo.

“So, di muna ako nag-assume kung, ‘Ano ‘to?' Etcetera, etcetera. Ang purpose lang namin, makita si Franco na siya yun. And then, bago embalsamohin, just to make sure na talagang siya yun. So, umalis muna kami to... Kasi aayusin pa si Franco. So we gave the go signal para maembalsamo.”

Ayon kay Raul, hindi na siya nag-request na sumailalim pa sa autopsy ang anak upang alamin ang detalye kung paano ito nagkasugat sa ulo.

“Autopsy, tapos bubuksan mo pa, aanuhin yung to the detail," sabay turo sa katawan.
Dagdag niya, “Kawawa naman yung tao.”

Hindi na raw nagkaroon ng pagkakataon ang ama ni Franco na magpunta sa dalawang naunang ospital kung saan ito dinala upang alamin ang anumang impormasyon sa naging kundisyon ng anak.

“Hindi na. Hindi na kami nagpunta ng ospital ng Davao. Ang nag-ayos ng mga papeles, death certificates, lahat, ang Davao Doctors sa city.”

Ayon pa kay Raul, nagpalipas pa sila ng gabi ng November 12 sa Davao City dahil kinabukasan, November 13, nang lumabas ang dokumento mula sa ospital at police report.

“Hindi namin makukuha yung documents, death certs, police report, kasi Sunday, sarado lahat. The following day, na-release yung documents between 12 to 2 P.M. So, nung na-sure na namin na na-release yung documents by 2 P.M., we made arrangements na para dun sa plane back to Manila. So, umalis kami ng Davao ng 8 P.M., flight namin to Manila.”

Hindi raw malinaw kung saan at paano nakuha ni Franco ang bukol sa noo at sugat sa ulo. Ngunit sinabi ni Raul na base sa mga opisyal na dokumento ay pagkalunod ang “probable cause” sa pagkamatay ng anak.

Sa huli, iginiit ni Raul na wala silang planong maghain ng anumang legal na imbestigasyon at aksiyon sa sirkumstansiya kaugnay ng pagkamatay ng anak.

Pahayag niya, “Basta ang purpose kasi namin, we want to stick to our objective. Ang objective lang namin is to tell what really happened. Now, kung anuman ang imbestigasyon o anuman ang etcetera, ayaw na namin dumating sa punto na yun. Si Franco, kilala namin ‘yan. Ayaw niya ng kumplikasyon. Ayaw niya ng magulo. Gusto niya, kung ano yung nangyari, ‘yan na ‘yan. Basta ipaalam mo lang kung ano yung totoong nangyari. Kung anuman ang puwedeng mangyari after, hindi na namin i-initiate yun or what.”



Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews