X

Like our page!

Saturday, December 2, 2017


FINALLY! HASHTAG FRANCO HERNANDEZ'S GF JANICA NAM "EXPOSED" THE UNTOLD STORY OF DAVAO INCIDENT!



Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Janica Nam Floresca ang diumano’y hindi pagkakamukha ng detalye ng aksidenteng pagkalunod ng boyfriend niya na si Franco Hernandez sa Davao Occidental noong November 11. Ito ay sa kadahilanang nais daw niyang itama ang umano’y pagkakaiba sa inihayag na kuwento ng dalawang bangkerong kasama nila nang hinampas-hampas ng malalaking alon ang sinasakyan nilang motorized banca nang mangyari ang insidente.




Ang dalawang bangkero, na nakilala na sina Rico Igalan at Efren Kilang, ay nagbigay ng pahayag sa Umagang Kay Ganda noong November 13. Ayon kay Nam, mayroon din umanong pagkakaiba sa kuwento ni Tom Doromal, kapwa Hashtags member ni Franco, sa panayam nito sa November 19 episode ng ABS-CBN weekly magazine show na Rated K.

Ayon kay Nam, natagalan ang pagdala sa ospital kay Franco nang ma-transport ito sa resort nila Tom mula sa isla kung saan sila unang napadpad nang sila ay malunod sa dagat. Kinontra rin ni Nam ang pahayag ng dalawang bangkero na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa grupo na magsuot ng life jacket nang sila ay sumakay ng motorized banca.

Pahayag ni Nam: “Yung sa Rated K, yung sinabi niya [Tom] na ni-rush daw sa ospital, yun ang gusto ko i-correct." 
“Kasi hindi naman talaga ni-rush. And ako lang yung nag-rush. Ako lang yung sumama. Sumunod lang sila. 
“Tapos, dun sa mga bangkero na—hindi ko alam kung bakit nila nasabi yun—na meron daw life vest. Ayaw daw namin suotin. 
“Sila yung nagpatalon sa amin. Wala silang life vest.
“Tsaka hindi kami dapat aalis dun hangga’t hindi namin sinusuot yung life vest, di ba? Dapat ganun.
“Or kahit meron man lang sa banca na life vest na iniwan—as in, wala talaga.”
Nais nilang klaruhin ang naunang lumabas na balita at bigyang-linaw ang iba't ibang espekulasyon hinggil sa pagkalunod ni Franco.

Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews