X

Like our page!

Tuesday, December 5, 2017


Bossing Nagsalita Na Sa Issue Tungkol Sa AlDub!



Itinanggi ni Vic Sotto ang usap-usapan isinuspinde diumano mula sa Eat Bulaga! si Maine Mendoza.

Halos isang linggo ng hindi napapanood sa noontime show ng Kapuso Network ang tinaguriang Dubsmash Queen at kalahati ng AlDub love team.



Nagsimula ang hindi pagpapakita ni Maine sa noontime show matapos ang kanyang mahabang open letter para sa AlDub Nation, kung saan binigyang linaw niya ang tungkol sa kanila nina Alden Richards at Jake Ejercito.


Matapos nito, lumabas ang usap-usapang sinuspinde diumano sa show si Maine. Lilisanin na raw nito ang show kung saan siya nakilala nang husto ng publiko.

Pero kumalat din diumano na nasa Amerika lamang ngayon ang phenomenal star at pansamantala muna magpapahinga sa showbiz.

Sa Grand Presscon ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Meant To Beh ngayong martes, December 5, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic tungkol kay Maine.

Naka-leave nga ba si Maine sa show?



Tugon ng veteran TV host-comedian , "ang alam ko nakabakasyon siya. I'm not really in the know, I'm not privy to anything na personal niyang desisyon. Kasi, Para sa akin, kung ano man yun.. respetuhin nalang natin kung ano man ang mga issues niya, kung ano man ang mga pinagdadaanan niya. Siya lang nakakaalam dun. I'm not privy to anything personal pagdating sa kanya."

Naramdaman ba niyang may pinagdadaanan si Maine bago ito magbakasyon?

Saad ni Vic. "Kasi hindi naman kami masyado nagkikita, e. Most of the time, nasa baranggay siya, nasa studio kami. Parang once a week lang kami nagkakasama sa studio, e. Kapag Saturdays. Ako personally, wala akong nararamdaman."

NOT SUSPENDED hindi pa raw malinaw kung kailan babalik si Maine sa Eat Bulaga.

Sabi ni Vic, "I don't know you can ask Mr. [Tony] Tuviera, wala rin akong alam dun."

Suspindido ba si Maine sa Show? Paniniguro ni Vic.

"Definitely not. Ba't naman isususpinde siya ng TAPE, 'no, ng Eat Bulaga? "Lalo na kay Mr. Tuviera, respetado niya yang 'opinyon, pag-iisip, at kung ano man ang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads."

May mensahe ba siya sa nawindang na fans ng AlDub?

"Yung love team, hindi naman talaga nawawala yun, e. Andun na yun habang buhay. So, antayin nalang natin ang kasunod na kabanata."

Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews