X

Like our page!

Saturday, November 18, 2017


WALLY BAYOLA MUNTIK NG MAGPAKAMATAY DAHIL SA DEPRESSION!



Nasangkot noon sa sex scandal si Wally Bayola na nagdulot ng matinding depression sa kanya. Hindi itinago ni Wally na muntik na niyang wakasan ang kanyang buhay noong mga panahong nagdaraan siya sa matinding depression.

Iyon daw ang pinakamalungkot at madilim na parte ng kanyang buhay at muntik na niyang hindi kayanin kung hindi lang daw niya naisip ang kanyang mga anak.

"Kung ako lang talaga at wala akong iniisip na mga anak ko, malamang nagawa ko ng saktan ang sarili ko. Sobra akong nadepressed at naglalaro na sa isip ko na gawin iyon para matapos na. Pero dahil sa mga anak ko, naisip kong napaka-selfish ko kung gagawin ko iyon," ayon kay Wally.
"Kaya sa tulong therapy, unti-unting bumalik ang self-confidence ko. Natuto akong lumaban ulit para sa sarili ko, at para sa mga pamilya ko," dagdag pa ni Wally.



Ngayon ay malayong-malayo na ang chapter na iyon ng buhay ni Wally. Sunud-sunod na blessings ang natatanggap niya dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

"Nabigyan ulit ako ng panibagong pagkakataon sa career kong ito," ayon kay Wally. 
"Malaki ang utang na loob ko sa Eat Bulaga na siyang nagbigay ulit ng pagkakataon sakin. Kung hindi dahil sa binigay nilang character na Lola Nidora, hindi ako muling mapapalapit sa mga tao. Minahal nila ulit ako dahil kay Lola Nidora," dagdag pa niya.


Ngayon ay may sarili ng movie ang mga lola ng Kalyeserye na sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora. Ito ang Trip Ubusan: The Lola's VS Zombies na hitik sa aksyon at pagpapatawa kasama sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.




Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews