X

Like our page!

Saturday, November 18, 2017


Sandy Andolong Says Daughter Mariel de Leon Not Affected By Miss International Loss!



Ikinagulat daw ng aktres na si Sandy Andolong ang mga batikos na natatanggap ng kanyang anak na si Mariel de Leon.

Tila maraming kababayan natin ang natutuwa pa sa pagkatalo ni Mariel sa Miss International 2017 na ginanap sa Tokyo, Japan noong November 14.

Nabiging makapasok kahit lamang sa top 15 ang pambato ng Pilipinas.

Kabilang sa mga natuwa sa pagkatalo ni Mariel ay si Davao Mayor Sara 'Inday' Duterte, na nagkaroon daw ng di magandang karanasan sa beauty queen nang magkasama sila sa isang event.


"I was surprised!" pahayag ni Sandy sa mga isyung kinasasangkutan ng anak.

"Nagtataka ako, bakit ganun. Ang kay Mariel, nasabi na niya ang dapat niyang masabi. And she doesn't want to talk about it anymore." ayon sa aktres.

Proud daw ang aktres sa kanyang anak kahit hindi naging matagumpay ang pakikilahok nito sa Miss International 2017.

"Ako bilang mother, I'm proud of Mariel  because on how well she took it. Happy'ng happy siya. Ang sabi nga ng anak ko, no amount of money can pay what she experienced in Japan. She gained a lots of friends, she became mature. Happy siya with everything that has happened in Japan. She does not question yung nangyari, tanggap niya wholeheartedly. Walang nawala sa kanya, she gained more than she lost. She gained a lot from this experienced. Yung pagkatalo niya does not affect her at all," ayon sa aktres. 

"I'm proud of Mariel, and im happy for her."

"Hindi na namin iniintindi ang sinasabi ng iba, bagamat nakakalungkot lang na ilan sa mga kababayan natin, lalo na ang bashers ay natutuwa pa sa pagkatalo ni Mariel," diin pa ng misis ni Christopher de Leon. 

Pero masaya raw ang kanyang anak at doon daw niya nakita ang strenght of character nito. "Si Mariel, maganda yung attitude niya,"  saad ni Sandy.  

"Sabi ni Mariel, Nanay, this experience, you cannot buy it. No amount of money can buy it. Sabi niya, and I made a lot of friends all over the world, and they're all inviting me to come in their country." dagdag pa niya.


Sa katunayan, nagpasabi na raw si Miss Cooks Island na gusto niyang si Mariel ang kumanta sa kaniyang kasal.

Naging alaga pa daw ni Mariel si Miss Portugal na gusto na raw magback-out. Si Mariel daw ang nagconvince na tumuloy ito. Kahit daw doon sa competition ay si Mariel ang nagmemake-p kay Miss Portugal. Naging close nadin daw si Miss Portugal nina Boyet at Sandy.

"Si Mariel, walang problem. She's taking it well, i still believe that God has better plans for her," dagdag na pahayag ni Sandy.
 Kaya sa halip na intindihin ang bashers ay mas gusto nalang daw nilang i-entertain ang positive feedback dahil mas marami naman daw ang nagmamahal at sumusuporta kay Mariel.

Marami daw silang kailangang ipagpasalamat sa Diyos sa magandang experienced na ito para sa kanilang anak.

Sa ngayon ay magiging abala si Mariel sa promotion ng Panday, ang Metro Manila Film Festival official entry kung saan leading lady siya ni Coco Martin.

Balak din daw mag-aral ni Mariel ng pagkanta dahil gusto niyang makapagfocus din sa kaniyang singing career.



Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews