X

Like our page!

Monday, November 20, 2017


LUIS MANZANO Tinanggal Na Bilang Host Ng PGT Season 6, Ayaw Na Raw Makatrabaho Si ANGEL LOCSIN?



Magbabalik na muli ang reality show na Pilipinas Got Talent subalit hindi na masisilayan si Luis Manzano sa PGT Season 6. Si Toni Gonzaga ang binaggit na bagong makakasama ni Billy Crawford bilang host.

Sabi ng isang source, nasabi daw noon ni Luis sa ilang members ng press sa taping ng programang I Can See Your Voice na kung mapapanood pa siya sa PGT 6, ay ibig sabihin stay siya, pero kapag wala na edi wala na.


Inamin din ni Luis na hindi na siya parte ng PGT 6 nung tanungin ng ilang press. Ang matindi niyang sagot "Nope".

Wala kasi ang pangalan ni Luis bilang isa sa host sa gaganaping audition mula Lunes hanggang Miyerkules na inumpisahan ngayong November 20 sa SM Seaside, Cebu City.

Simula nung umere ang Pilipinas Got Talent ay sina Luis at Billy na ang nagsilbing mga host at masasabing sanay na ang mga viewers na sila ang magkasama.

Ayon kay Luis, "Okay lang yan. Kumbaga new flavor naman."

Natanong din kay Luis kung si Angel Locsin ba ang dahilan ng kanyang pagkwala sa PGT 6, kung ayaw na ba niya ito makatrabaho at umiiwas na siya dito. Ngunit iniwasan nalang niya magkomento para hindi na humaba pa ang issue.

Kumalat din ang balitang ayaw daw talaga ni Jessy Mendiola na magkatrabaho ulit ang boyfriend niya at ang ex-gf nito na si Angel.

Samantala wala namnag magbabago sa mga judges ng PGT 6 dahil mananataili parin daw sina Vice Ganda, Robin Padilla, Freddie Garcia o FMG, at si Angel Locsin.


Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews