X

Like our page!

Saturday, November 11, 2017


Jessy At Alden Muntik Ng Mag-Away!


Dahil lang sa isang madamdaming pagbati sa isang kaibigan, muntik pang mapaaway si Jessy Mendiola.

Ngunit kay Alden­ Richards, at sa mga totoong fans pala muntik magkaroon ng away si Jessy.

Ayon sa isang source, binati ni Jessy ang friend niyang tinawag niyang si Kusie.



“Belated happy birthday my froggy. Alam kong hindi tayo masyadong nagkikit­a kasi palagi kang busy (Yes, Ikaw na ang busy) pero alway­s remember that I love you very much and I’ll always be here for you through thick and thin.

“Masaya ako kung saan ka sa career mo, sobrang hardworking mo kaya deserve mo ‘yan.

‘Yung love life mo din, sobrang gusto­ ko siya and sana forever kayo na (hindi ko siya ma-tag kasi gusto mo private, ayaw mong ma-bash) Stay HAPPY and healthy my froggy! I love you!”


Ganiyan kasimple ang pagbati ni Jessy kay Kusie, sa photo nila na magkasama.

Hindi niya tinag ang tunay na Ins­tagram account ni Kusie, pero dahil sa ilang komento napilitan si Jessy na i-tag na si Kusi­e na si @chinitohosikusieh­o pala.

At sa information tungkol kay Kusie luma­labas na isa itong make-up artist, hair stylist at negosyante. Pero sa profile photo niya, machong-macho ang dating niya sa topless photo niya.

Ngunit may isang commentor ang nagsabing si Alden Richards daw ang tinutukoy na ka-lovelife ni Kusie,

Isang nagpapanggap na follower ni Maine Mendoza ang may-ari ng IG account na mainedei05, na nagsabing.. “xempre si @aldenri­chards02 ang bf niya!”

Kasunod na nga nit­o ang kung ano-anong reaksiyon ng mga followers ni Jessy.

May mga tumuligsa agad kay Alden at kung ano-ano ang tinawag dito. Ngunit, hindi rin pumayag ang mga nagmamahal kay Alden. Nagalit sila sa taong ‘yon, at iba pang sumawsaw, na tinawag nga nilang bashers, na pati si Alden na nananahimik ay dinadamay.

May mga nagsabi rin kay Jessy na sana ay pinangalanan na niya ang ka-lovelife ni Kusie, para matapos ang isyu. At heto nga ang sagot ni Jessy…

“Sa mga gumagawa ng mga malisyoso na comment dito, tumigil po kayo. Wag kayo mandamay ng taong walang kinalaman sa post na to ha? Wag kayong gumawa ng issue kay Alden at Kusie dahil wala naman talaga at magkatrabaho lamang sila. Mga taong to kung mag-isip ang kikitid ng mga utak, tumigil na kayo. ‘Yung tinutukoy ko sa caption ko ay ibang tao, si @akohosiamilito18 ‘yun. Ang bashing hirit inside joke namin ‘yun, wag kayo manggul­o sa post nang may post. God bless you all, sana lumawak ang mga makikitid niyong utak…”

Marami ang natuwa sa ginawa ni Jessy, ng sagutin nito ang mga bashers na gusto pa silang gawan ng isyu ni Alden.

Nag-comment na rin ang tinutukoy na ka-lovelife ni Kusie na si @akohosiamilito18 na tatlong pulang puso.

“Biglang iba pinangalanan nila kaloka. Hahahahaha. Tag na kita? Ayaw ni Kusie eh. Pero SIGE NA NGA…” sabi pa ni Jessy.

Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews