X

Like our page!

Monday, November 20, 2017


HASHTAG TOM DOROMAL NAGSALITA SA TOTOONG NANGYARI SA PAGKALUNOD NI FRANCO!



Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Tom Doromal kaugnay sa pagkalunod ng kapwa niya Hashtag member na si Franco Hernandez. Isa si Tom sa mga kasama ni Franco nang mangyari ang insidente sa isang resort sa Davao Occidental noong November 11. Dahil sa insidenteng ito ay nasawi si Franco sa edad na 26.




Sa panayam niya sa Rated K nitong nakaraang linggo, November 19, ikinuwento ni Hashtag Tom Doromal ang nangyari nung pumunta sila sa Davao Occidental para magbaksyon kasama ang mga kaibigan kabilang si Hashtag member Franco Hernandez.

Ayon kay Tom, niyaya niya si Franco at iba pang miyembro ng Hashtags na magpunta sa kanilang probinsya sa Davao Occidental.

"Nung nalaman namin na may bakasyon, inivite ko lahat ng Hashtags. Kinausap ko si Franco, 'bakasyon tayo dun'."

"Flight namin, 6 am. Tapos nung 6 am, nagulat kami ba't wala pa yung flight namin. Diba sa airport, may last call? Nung 8 am na, tinanong na namin, oo kanina pa (nakaalis). Hindi pa tinawag yung pangalan namin and everything. Tapos pinarebook na nila, 9 ata or 10 am. Tapos nagfly kami ng Davao."

"Una balak talaga namin magfalls, kaso a day before, umulan sa place namin. Ang sabi, medyo ano ang falls, pangit na. Ang sabe ko, Bro pwede tayo magwhite beach. Tapos nakarating na kami. Tapos ayun nung sinabi ko, Bro balik na tayo kasi anong oras na."

Pasado alas-dos diumano ng pasukan ng tubig ang kanilang sinasakyang motorized bangka. Sakay nito sina Tom, Franco, Janica at dalawa pang kasama nito. Napilitan umano ang mga lalaki na tumalon ng bangka at naiwan sa bangka ang dalawa nilang kasamang babae.

Kuwneto ni Tom, "Napasukan talaga ng tungig, buo. Edi tumalon na silang lahat. Nagulat nalang ako sina Franco at Nam nandun na sa medyo malayo."

Nasagip naman daw ang magkasintahan, ngunit sapuntong iyon daw ay wala nang malay si Franco.

Ayon pa kay Tom, "Tinry kong irevive, nirush namin sa hospital. Tapos after a while, kinausap ako, sabi nila wala na daw."

Dito na raw naisip ng kanilang grupo na sana ay hindi nalang sila tumuloy dahil sa mga senyales na hindi nila pinansin nung una.

"Siguro sana hindi nalang kami.., siguro san pumasok sa isip namin na sabi ni God huwag ng tumuloy. Pero hindi kasi pumasok sa isip namin eh. Parang narealize na namin after nung nangyari. Parang kinompile namin yung mga signs na binigay ni Lord na huwag na kayong tumuloy!"



Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews