X

Like our page!

Friday, November 17, 2017


FULL VIDEO! VICE GANDA NAKAKAIYAK NA SPEECH PARA KAY HASHTAG FRANCO HERNANDEZ!



Napuno ng tuwa kahit sandali ang dapat ay napakalungkot na gabi ng burol ni Franco Hernandez.

Ang pagkamatay ni Franco dahil sa pagkalunod, ay talagang hindi inasahan ng lahat. Sa huling gabi ng kanyang burol ay dumalo ang kanyang mga kaibigan at katrabaho kasama na si Vice Ganda.

Upang mapawi kahit sandali ang mabigat na damdamin ng lahat ay pilit pinatawa ni Vice Ganda ang mga bisita. Biro pa ni Vice sa mga magulang ni Franco, “Mahal ko po ang anak n’yo. Pero hindi po kami mag-jowa, hindi po ako pumapatol sa below 5’7. Halos lahat po ng jowa ko ay 6-footer, mythical 5, PBA level, joke, charot!”

Biro rin niya na nagsimula ang friendship nila ni Franco nang sabay silang mag-audition sa Hashtags.

Si Vice ay umaming nasaktan sa pagpanaw ni Franco dahil malapit talaga ito sa kanya. Aniya sa ABS-CBN,

“Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos, para hindi talaga ako magkaanak. Kasi ito pa lang, hindi ko totoong anak pero hindi ko kinakaya.”


Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews