X

Like our page!

Saturday, November 18, 2017


CONFIRMED! ELLEN ADARNA CONFIRMS PREGNANCY AND WILL STILL DO BENCH FASHION SHOW!



Ibinalita ng PEP.ph ang pagbubuntis ng sexy star na si Ellen Adarna, at ang ama ay ang matinee idol na si John Lloyd Cruz.

Si Ellen mismo ang nagkumpira nito sa ilan sa kaniyang malalapit na kaibigan.


Sa dalawang okasyon ay naringgan ang 29 year old na Kapamilya actress na nagsabing buntis daw siya.

Ayon din sa balita, kaya hindi pinahaba ang bakasyon ng dalawa sa Europe ay dahil sensitive ang pagbubuntis ni Ellen.


Ngunit tuloy parin daw ang pagrampa ni Ellen sa Bench Fashion Show na Under The Stars sa MOA ngayong November 18.

Determinado at sigurado naman ang couple na aalagaan nila ang pagbubuntis ni Ellen.

Nito lamang din taon ng magsimulang pumutok ang nababalitang relasyon ni Ellen at John Lloyd.

Hindi man naging tuwiran ang pag-amin ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon, ngunit maraming video at litrato ang kumalat kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa.

Samatala, si John Lloyd naman ay tumungong New York para dumalo sa kasal ng kanyang pinsan.

Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews