X

Like our page!

Saturday, November 18, 2017


ANNE CURTIS WALA DAW UTANG NA LOOB! HINDI NA KILALA ANG DATING MENTOR AT DISCOVEROR NIYA?



Nagkagulo ang netizens sa wedding coverage ng mga bisita nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na ikinasal sa isang garden sa Thurby Domain, Southland, New Zealand. Ang ganda ng ambiance at kitang kita na nag - enjoy ng husto ang mga guests sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayon sa source nakausap daw nila ang unang nakadiscover at mentor ni Anne, masama raw ang loob nito kay Anne dahil hindi manlang daw ito naalalang imbitahan sa kanyang pagpapakasal.


"Si Annie Ayroso, ang nakadiscover at unang manager ng Kapamilya actress/tv host. Nakita kasing imbitado roon ang isang manager niya na si Betchay Vidanes, kaya tinanong namin si Tita Annie kung pinadalhan ba ito ng imbitasyon," ayon sa source.
Ayon naman sa pahayag ni Ms. Annie, "Syempre hindi na niya ako maalala niyan, milyonarya na siya. Baka nga pwede na niya akong bilhin," tila pabirong sagot ni Annie. 


Noong nagsisimula pa lang daw si Anne sa showbiz, 12 years old pa lang ito ay sa kanya ito tumira ng halos pitong buwan. Siya raw ang gumastos lahat para maayos ito at nagpresent sa Neo Films para mapabilang sa first movie nitong Magic Kingdom.

Dagdag pa niyang pahayag, "Ang una nga niyang singsing ako nagpagawa niyan. Pero siguro ngayon, naipamigay na niya yun. Ako nagdala sa kaniya sa Neo Films na nagproduce ng first movie niya sa Magic Kingdom. Hanggang sa dinala ko na siya sa Viva. Mahigit one year din siya sa akin."

"Nang yumaman na, nakalimutan na ako. Kahit manlang padalhan ng isang bulalak sa birthday ko. Hindi naman ako nagso-sourgraping, tinanong nkyo kasi ako kung bakit wala ako sa kasal niya. Yun lang parang nakaramdam nanaman ako ng lungkot at bumalik yung dating sama ng loob ko na after ko siyang alagaan at tulungang makapasok sa showbiz, at pinatira pa sa bahay ko, eh parang hindi na niya ata ako kilala," himutok pa ni Ms. Annie Ayroso. 




Share this article.

short story
Best Love Quotes










Facebook Comments by Today In Manila

0 comments:

Post a Comment

Read Our Daily News Via Email

Like Us On Facebook!

Total Pageviews